SEO Specialist Ka Ba?

SEO. Hindi yan Jejemon term para sa salitang “sayo”. SEO means Search Engine Optimization. Hindi mo pa rin gets? Propesyon yan. Kapag nagtatrabaho ka sa SEO world, SEO Specialist ang tawag sayo.

Sa limang taon ko sa mundo ng SEO, nahihirapan pa rin akong ipaliwanag in layman’s term yung ginagawa namin.

Tao: San ka nagtatrabaho?
Ako: Sa Ortigas po.
Tao: Call Center Agent ka?
Ako: Hindi po. SEO Specialist po ako.
Tao: Ano yun? Sa Computer din?
Ako: Opo. Nagpaparank kami ng websites. Kinakaibigan namin si Google.
Tao: Ah.

Laging ganyan yung mga usapan. Alam naman naming mga SEO Specialist yung ginagawa namin, mahirap lang talagang i-explain ang isang bagay na hindi pangkaraniwan.

So, ayun nga, dahil Friday ngayon, dapat petiks na. Completed na yung Monthly Reports. Nakapag Link Build ka na ng malupit. Na check mo na yung rankings mo. Na ensure mo na hindi mo pa naba-violate si Google. At dahil Friday ngayon, sa isang di inaasang pagkakataon, nagkaisa na naman ang isip naming mga SEO Specialists.

Ang SEO, kapag nagmahal… nagsimula sa isang chat na ganyan, hanggang sa sumabog na ang mga itinatagong galing sa pag hugot tungkol sa propesyons minamahal namin.

Basahin nyo dito at sabay-sabay tayong maaliw: Ang SEO Specialist Kapag Nagmahal.

PS.
Nag ooffer ako ng serbisyo sa SEO. Per hour yung rate ko. Pagmamahal, Atensyon, Pangangalaga, sapat na kabayaran na yan. Ituturo ko sayo lahat. Panigurado, mag-ra-rank tayo sa lahat ng Search Engine!

Zephyriousity Signature

Share this: