Spicy Spouse - Pagbabago Daw

Eleksyon 2016 – Pagbabago Daw!

Eleksyon na naman. Handa ka na ba? Sigurado ka na ba sa iboboto mo? Sa ating mga boto, nakasalalay ang kahahantungan ng mahal nating bansa.

5 Kandidato. 5 naghahangad na maging ina o ama ng bansang unti-unting lumubog simula noong dekada ’80. Kanino nga ba tayo dapat maniwala? Kanino tayo dapat magtiwala?

Isang kinakikitaan ng kamay na bakal. Matapang. May prinsipyo. Handa daw ipapatay ang mga taong nagkasala sa batas. Ginagawang biro maging ang sesitibong mga bagay.

Isang magbibigay daw ng daang matuwid. Sentro ng usapin sa Yolanda. Hindi umano nakita sa panahon ng pangangailangan.

Isang tinitira hindi lamang sa kulay, kundi maging sa taas na kayang abutin. Maraming isyu ng pagnanakaw. Maraming naniniwala sa mga nagawa daw para sa bayan.

Isang itinakwil daw ang pagka-Pilipino noon. Payapa kung magsalita. Nakikita maging sa mga simbahan na nakikinig ng misa. Ipagpapatuloy daw ang naiwang yapak ng kanyang ama. Hindi natin alam kung pag-aartista o pagtulong sa bayan.

Isang mamamatay na daw. May cancer. Diumano ay nagamot na ng isang mamahaling gamot ang sakit. Hindi kakikitaan ng anumang isyu kundi ang cancer nya. Matapang. Matalino. Hinahangaan at iginagalang ng karamihan sa mga kandidato.

Silang lima. Iisa ang hangarin: Pagbabago. Pagbabago raw, para sa bansang unti unting nilalamon ng mga buwaya. Sa darating na ika-9 ng Mayo, pumili ng tama. Piliin ang alam nating makakatulong sa bayan. Simulan natin sa ating mga sarili ang salitang pagbabago. Huwag tayong maniwala sa mga nagsasabing “sayang ang boto mo”.

Pakinggan ang awiting inilapat ng bandang “Spicy Spouse” para sa nalalapit na malaking pagbabago sa ating bansa.

Lahat may daw. Lahat ay haka-haka lamang. Matutong maging mapagmatyag. Sa halalang ito nakasalalay ang magiging kasaganahan ng ating mga buhay. Anong malay natin, sa pagkakamali ng nakararami, muling maulit ang nangyari sa kasaysayan.

Zephyriousity Signature

Share this: